Big Chill diretso sa 6-panalo
MANILA, Philippines - Napanatili ng Big Chill at NLEX ang kanilang magandang panimula na sinabayan ng panggugulat ng Wang’s Basketball sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Sina Reil Cervantes at Mar Villahermosa ay tumapos taglay ang tig-18 puntos at ang huli nga ay ibinuhos ang marka sa second half para tulungan ang Superchargers sa 94-87 panalo sa kinulang sa tao na Café France.
May 23 puntos si Mac Montilla para sa Bakers na hindi nagamit ang mga manlalaro galing sa Centro Escolar University dahil sa PCCL.
Muling gumana ang kamay ni Garvo Lanete sa kanyang 23 puntos pero naipakita na rin ng mga reserves tulad nina NCAA Finals MVP Arthur dela Cruz at John Villarias ang kanilang laro matapos maghatid ng tig-10 puntos tungo sa 82-75 panalo ng NLEX sa Boracay Rum.
Ikatlong dikit na panalo ito ng nagdedepensang Road Warriors at maaga silang nagtrabaho at sa first period pa lamang ay iniwan na ang Waves, 30-14.
Hindi naman hinayaan ng Couriers na magpatuloy ang pamamayagpag ng mga paborito nang sandalan ang dalawang free throws ni Jonathan Banal sa huling 6.4 segundo para kunin ang 76-74 panalo sa Cagayan Valley.
Inagawan ni Bryan Ilad si Mark Bringas para hindi makahirit ng panablang play ang Ri-sing Suns na natalo sa ikalawang pagkakataon matapos ang pitong laro.
Si Michael Juico ay mayroong 22 puntos para sa Wang’s na umakyat sa 2-3 baraha.
- Latest