^

PM Sports

TMS-Army, Cignal wagi sa Grand Prix

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gumanang muli ang la­ro ni Jovelyn Gonzaga pe­ro bu­malik ang suporta ng kan­yang mga kakampi pa­ra ibigay sa nagdedepensang kampeon TMS-Philip­pine Army ang 25-23, 25-14, 25-18 panalo laban sa Petron sa Philippine Super Li­ga volleyball Grand Prix ka­­hapon sa Ynares Sports Are­na sa Pasig City.

May 11 hits, kasama ang 9 kills si Gonzaga, ngu­nit si Thai import Wa­nitchaya Luangtonglang ay nakapaghatid ng 12 hits at ang mga beteranang sina Mary Jean Balse at Tina Sa­lak ay nagtambal sa pi­nagsamang 16 hits.

Sa first set lamang napalaban ang Lady Troo­pers bago itinatak ang kalidad ng paglalaro sa huling da­lawang set upang pawiin ang  pagkatalo sa kamay ng PLDT MyDSL sa huling la­ro sa ligang inorganisa ng Sports Core na may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB).

Kinailangan  lamang ng Cignal ang 58 minuto para talunin ang baguhang RC Cola, 25-14, 25-11, 25-8, sa unang laro.

Nagkaroon na ng ma­gandang komunikasyon ang mga locals at ang da­lawang Chinese guest pla­yers ng HD Spikers para kunin ang ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong laro.

“Unti-unti ay nagkaka­intindihan na ang mga pla­yers ko. Maging ang mga Chinese imports ko ay gu­magawa rin ng paraan pa­ra maintindihan sila ng mga kakampi nila,” wika ni Cignal coach Sinfronio Acaylar.

Si Chie Saet ay may 12 puntos, habang ang mga guest players nila na sina Xie Lei at Li Zhangzhan ay tumapos taglay ang 10 at 8 puntos.

Wala namang manlala­ro sa Raiders ang gumawa sa doble-pigura at ang imports na sina Zhang Minghua at Sontaya Kaewbundit ay may walo at pitong hits lamang para bumaba sa 0-3 baraha sa naturang anim na koponang torneo.

 

vuukle comment

CIGNAL

GRAND PRIX

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

JOVELYN GONZAGA

LADY TROO

LI ZHANGZHAN

MARY JEAN BALSE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with