^

PM Sports

WTA nadale ng isang mananaya

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Panggugulat ng dalawang 'di napaborang kabayo ang nagresulta para  makumubra ng isang mananaya ang milyong pisong dibidendo noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa last double sa walong karerang pinaglabanan umarangkada ang mga dehadong Tricky Charlize at Boss Pogi na naghatid ng suwerte sa isang karerista sa Winner-Take-All.

Si RM Ubaldo ang hinete ng Tricky Charlize na tinalo ang Most Relia-ble para makapaghatid ng P80.00 sa win. Ang 2-10 forecast ay may mas magandang P1,500.50 dibidendo.

Pinakadehado naman sa gabi ang Boss Pogi na dala ni John Cordero at tinalo ang paboritong Lady Liam.

Nasa P105.50 ang dibidendo sa win at P286.50 ang forecast na 9-13.

Dahil sa dalawang kabayong ito, nasa P1,893,526.80 ang ibinigay sa WTA na binuo ng kumbinasyong 5-1-3-12-6-2-9.

Ito ang lalabas na ikapitong pagkakataon na may naging milyonaryo sa WTA sa bakuran ng Philippine Racing Club.

Magbabalik ang pista sa Linggo at hitik sa aksyon ang mapapanood dito dahil ilalarga ang 18th MARHO Breeders’ Cup.

Anim na stakes races ang itataguyod ng MARHO tampok ang SMB-MARHO Classic na sasalihan ng  Hagdang Bato.

Sa 2000-metro gagawin ang karerang katatampukan ng apat na kalahok at magsisilbing tune-up race ito ng Hagdang Bato para sa PSCO Presidential Gold Cup sa Disyembre 1.

Ang iba pang malala-king karera ay ang Philracom-MARHO Juvenile Fillies at Colt Stakes, SMB-MARHO 3YO Fillies at Colts Mile race at ang Santa Ana Park-MARHO Sprint race.

vuukle comment

BOSS POGI

COLT STAKES

COLTS MILE

HAGDANG BATO

JOHN CORDERO

JUVENILE FILLIES

LADY LIAM

MOST RELIA

SANTA ANA PARK

TRICKY CHARLIZE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with