Leyte athletes inampon ng PSC
MANILA, Philippines - Nabuhay uli ang pangarap ng 27 atleta na dating nakabase sa Leyte Sports Academy (LSA) matapos silang ampunin ng Philippine Sports Commission (PSC).
“Matapos ang super typhoon na Yolanda at nakita nila na nasira ang Academy, lahat sila ay nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa kanila, sa academy. Nangangarap din kasi ang mga batang ito na maireÂpresenta ang Pilipinas sa malaking kompetisyon,†wika ni athletics coach Alfonco Trece Sr. na humarap sa pulong pambalitaan kahapon sa PSC administration building kahapon.
Nagkaisa ang pamunuan ng PSC sa pangunguna ni chairman Ricardo Garcia at commissioner Jolly Gomez na tulungan ang mga batang ito na may potensiyal matapos manalo sa mga isinusulong na palaro tulad ng Batang Pinoy at Philippine National Games.
Nasa Maynila na ngayon sina Leah Creer at Feiza Jane Lenton na nagdomina sa kanilang mga events sa Batang Pinoy at Phil. National Games pati sa Pala-rong Pambansa.
“With the trauma they have gone through, I hope that the PSC can help them move forward. We will be providing them with free meals, accommodation and training facilities,†wika ni Garcia.
May 90 atleta ang nasa pangangalaga ng LSA at lahat sila ay nasa pasilidad nang tumama ang super typhoon dahil may pinaghahandaan na provincial meet.
Wala namang nadisgrasya sa mga ito ngunit may isang bata na namatayan ng mga magulang at kapatid.
Inihayag pa ni LSA executive director Ruben Tamayo na ang nalalabing 60 atleta ay nagnanais din na tumulak ng Maynila bagay na sinang-ayunan ni Garcia.
Nakarating ng Maynila ang mga bata matapos magpadala ng bus ang PSC.
Idinagdag naman ni Gomez ang planong maki-pag-ugnayan ng PSC sa Department of Education upang ayusin ang pag-aaral ng mga ito lalo na ang mga magtatapos ng high school.
- Latest