^

PM Sports

Nag-practice uli si Bryant

Pang-masa

EL SEGUNDO, Calif. – Nag-practice uli si Kobe Bryant kasama ang Los Angeles Lakers at maging ang five-time NBA champion ay nagkaroon ng panibagong lakas sa kanyang pagbabalik sa court.

Ito ang ikalawang full workout ni Bryant sa Lakers sa kanilang training complex nitong Martes. Hindi pa rin siya sigurado kung kailan siya maglalaro ngunit nagpapasalamat siya at umusad na ang kanyang reco-very matapos mapunit ang kanyang Achilles tendon.

“It’s always a much greater appreciation for it,’’ sabi ni Bryant habang tumutulo pa ang kanyang pawis galing sa practice. “You understand the mortality that comes with being on that doorstep. There’s always a sense of enjoyment when you come back. ... Put the jersey on, you walk out in practice, and felt like it was ‘97 again and I was getting my first start as a pro.’’

Ayon kay Bryant, nakikita niyang possible siyang makalaro na sa huling bahagi ng buwang kasalukuyan.

Sinabi ni coach Mike D’Antoni na makakabalik si Bryant kapag sinabi niyang handa na siya  ngunit malabo itong mangyari sa susunod na laro ng Lakers kontra sa Golden State nitong Biyernes.

Ang fourth-leading scorer sa NBA history ay hindi pa lumalaro sapul nang magka-injury sa Achilles tendon sa laro kontra sa Golden State noong April. Sumailalim siya sa ilang linggong pagpapakondisyon bago nagbalik sa practice noong Sabado para sa sandaling workout.

Nakapag-5-on-5 drill si Bryant sa Lakers nitong Martes at natuwa siya.

vuukle comment

ANTONI

AYON

BIYERNES

BRYANT

GOLDEN STATE

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

MIKE D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with