Lacuna kasama sa Myanmar SEAG
MANILA, Philippines - Idinagdag pa sa Philippine delegation patungong Myanmar SEA Games ang London Olympics veteran na si Jessie King Lacuna.
Pumayag sina POC president Jose Cojuangco Jr; at PSC chairman Ricardo Garcia na idagdag si Lacuna para maging ikaapat na tanker lamang ng bansa na lalaban sa SEA Games ngayong Dec. 11-22.
“Ok na si Jessie sa delegation,†wika ni Chief of Mission Jeff Tamayo.
Itinulak ni swimming president Mark Joseph si Lacuna na ang pangalan ay isinama na sa entry-by-names na ipinadala ng POC sa Myanmar SEA Organizing Committee noong Oktubre.
Ngunit nabitin ang pagsama ni Lacuna dahil hindi ito nagkamedalya sa Palembang SEA Games sa Indonesia noong 2011.
Tumapos lamang sa pilak si Lacuna sa paboritong 200m freestyle event. Nagkaroon din siya ng dalawang bronze medals nang napabilang sa 4x100m at 4x200m freestyle relay teams.
Si Lacuna ang magiging ikatlong male swimmer sa delegasyon dahil nauna nang pinahintulutan ang Fil-Ams na sina Joshua Bada Hall at Matt Louis Abad Navata habang ang London Olympian na si Jasmine Alkhaldi ang natatanging lady tanker na isasali ng bansa.
- Latest