Kasparov darating sa Pinas
MANILA, Philippines - Darating sa bansa ngayon ang dating world chess champion na si Garry Kasparov, kinukonsiderang pinakamahusay na chess player, para sa isang araw na pagbisita upang ihayag ang kanyang intensiyon na tumakbo bilang presidente ng FIDE o International Chess Federation sa magaganap na eleksiyon sa susunod na taon.
“He (Kasparov) will meet with NCFP officials tomorrow (ngayon),†sabi ni National Chess Federation of the Philippines executive director at chess Grandmaster Jayson Gonzales. “His one-day Phl visit is part of his Asian region tour to make known his bid for the 2014 FIDE presidency.â€
Kasabay nito, inihayag din ni FIDE president Kirsan Ilyumzhinov, dating pinuno ng Kalmykia, ang dating Soviet Union republic, na hangad din niya ang kanyang ikaanim na term bilang pinuno ng world chess body.
Ang kasalukuyang Asian Chess Federation deputy vice president, na si Filipino Casto ‘Toti’ Abundo, ay tatakbo bilang secretary-general sa ticket ni Ilyumzhinov laban sa incumbent FIDE secretary-general Ignatius Leong ng Singapore, na nasa ticket ni Kasparov.
Ang 50-gulang na si Kasparov, tumalo sa kanyang kababayang si Anatoly Karpov para maging world champion noong 1985 na hinawakan niya hanggang 1993 bago ito magdesisyon na iwanan ang FIDE.
- Latest