‘Di problema kay Manny ang umagang laban
MANILA, Philippines - Hindi magiging problema kay Manny Pacquiao ang paglaban sa umaga matapos masanay sa nauna niyang mga gabing pakikipagsagupa.
Idaraos ang internatio-nal welterweight fight nina Pacquiao at Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa tanghali ng Nobyembre 24 sa Macau, China at ito ay ipapalabas sa United States sa gabi ng Nobyembre 23.
“Well, we get up early in the morning and we are running then we train in the afternoon and we are getting him used to having two meals before the fight and I think that’s a big factor, as long as he gets those two meals in him it shouldn’t be too much of a problem. We’ll be ready to fight,†ani Roach.
Idinagdag pa ni Roach na magkapareho ang oras sa Pilipinas at China, kaya hindi ito makakaapekto sa kanilang preparasyon ni Pacquiao kay Rios.
“We are in the same time zone as China, in the Philippines so we don’t have to worry about that change,†sabi ng five-time Trainer of the Year awardee. “We do get up at 4 o’clock in the morning and we’re on the road by 4:30. We get a meal in him in the morning then a small lunch before the afternoon workout and it’s been working out really well.â€
Matapos noong Hul-yo 2006 kung kailan niya tinalo si dating Mexican world super featherweight king Oscar Larios via una-nimous decision sa Araneta Coliseum ay pawang sa US na ginawa ang sumunod na 14 laban ni Pacquiao.
Kasama rito ang kanyang split decision loss kay Timothy Bradley, Jr. at sixth-round KO kay Juan Manuel Marquez.
- Latest