^

PM Sports

Crucis tatakbo sa Cojuangco Cup

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pangungunahan ng multiple stakes race winner Crucis ang mga tatakbo sa 2013 Ambassador Eduardo Cojuangco Jr. Cup sa Nobyembre 17 sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Ang iba pang nagpatala sa karerang paglalabanan sa 2,000-metro distansya ay ang Juggling Act, Gentle Irony, Kornati Island, Oh Oh Seven at Tritanic.

Halagang P2 milyon ang premyong isinahog sa karera at ang mananalo ay kakabig ng P1.2 milyong gantimpala. Ang breeder ng mananalong kabayo ay may pabuya ring P60,000.00.

Ang papangalawa ay mayroong P450,000.00 habang ang papangatlo at papang-apat ay mayroong P250,000.00 at P100,000.00 premyo.

“Isa ito sa mga magagandang karera na itataguyod ng  MetroTurf na ikasisiya ng mga karerista,” wika ni Rudy Prado, senior vice president ng ikatlong racing club sa bansa.

Si Jeff Zarate ang inaasahang sasakay uli sa Crucis na may lahing Southern Image at Dixie Parade at pag-aari ng dating Philracom commissioner na si Marlon Cunanan.

Huling stakes win ng kabayo ay ang Don Antonio Floirendo Sr. Golden Girls Stakes Race sa nasabing race track noong nakaraang buwan at siyang ipinapalagay na magiging paborito sa karera.

Ang Juggling Act at Gentle Irony ang siyang maaaring magbigay ng hamon sa Crucis dahil parehong beterano ang mga nabanggit na kabayo sa malalaking karera.

Ang Juggling Act nga ay kampeon sa karera noong 2011 pero sa huling edisyon ng Cojuangco Cup noong 2012 ay tumapos lamang sa pang-apat na puwesto.

Dinomina ang karerang nabanggit ng Magna Carta bago sinundan ng Tensile Strength at Next Big Thing.

AMBASSADOR EDUARDO COJUANGCO JR. CUP

ANG JUGGLING ACT

COJUANGCO CUP

DIXIE PARADE

DON ANTONIO FLOIRENDO SR. GOLDEN GIRLS STAKES RACE

GENTLE IRONY

JUGGLING ACT

KORNATI ISLAND

MAGNA CARTA

MARLON CUNANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with