^

PM Sports

C Bisquick paborito sa Grand Sprint race

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Anim na matutuling kabayo ang mag-uuna­han para ibulsa ang 2013 Philracom Grand Sprint Championship na siyang tampok na karera ngayon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa 1,000-metro distan­sya gagawin ang labanan at ang mga kasali ay ang C Bisquick ni JB Guce, Don Albertini ni Val Di­le­ma, Lord Or War ni Pat Dilema, Si Señor ni JA Guce, Sharp Shooter ni Mark Alvarez at Tiger Run ni Jonathan Hernandez,

Ang Si Señor ang pi­na­tawan ng pinakamabigat na handicap weight sa mga kasali na 57 kilos.

Nagpapanalo ang ka­bayo sa huling mga takbo ngunit ito ay nangyari sa pagdadala ni Russel Tel­les.

Si JA Guce ang hahawak ngayon  sa kabayo at inaasahang palaban pa rin ito lalo pa’t P600,000.00 ang unang premyo na nakataya sa karera.

Ang CBisquick. Don Albertini, Lord Of War at Sharpshooter ay manggagaling din sa panalo ka­ya’t inaasahang magi­ging balikatan ang tagisan sa ka­rerang suportado ng Phi­lippine Racing Com­mis­sion.

May 13 karera ang na­ka­programa sa maghapon at isa ring sisikapin ay sa 2YO Special Handicap Race sa 1,300-metro.

Sisipatin din sa karera kung may pagbabago sa ipapakitang pagtakbo ng Chel­zeechelzechelz sa ila­lim ng pag­diskarteng muli ni Fernando Raquel Jr.

Ikalawang takbo ito ng kabayo kay Raquel at mapapalaban ito sa limang iba pang katunggali.

Si Raquel ang dumiskarte sa kabayo sa huling takbo noong Nobyembre 3.

Sa nasabing karera ay nabigo ang tambalan at tumapos lamang sa ikaapat na puwesto.

Ang iba pang kasali ay ang Up And Away, Pure Enjoyment at ang coupled entry na Prized Angel, Prize Dancer, Proud Papa at King Of Reality.

Inaasahan ding magi­ging palaban sa karera ang Up And Away at ang Prized Angel.

 

vuukle comment

ANG SI SE

C BISQUICK

DON ALBERTINI

FERNANDO RAQUEL JR.

GUCE

PRIZED ANGEL

SHY

UP AND AWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with