Manny V. Pangilinan magkukuwento tungkol sa Gilas sa PBAPC Awards
MANILA, Philippines - Ililitanya ni Manny V. Pangilinan, ang basketball patron at prime mover ng Philippine cage program, ang pinagdaanan ng Gilas Pilipinas para makalaro sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Gagawin ito ni PangiÂlinan sa “A Banquet of HeÂÂroesâ€ng PBA Press Corps sa Martes na inihaÂhandog ng Meralco sa Wack Wack sa MandaluÂyong City.
Ito ang magiging tampok sa event na magpaparangal sa mga indibidwal na nagbigay ng kontribusyon sa nakaraang PBA seaÂson.
Ang Team PBA, kaÂsama si Pangilinan, na biÂÂnubuo ng mga team owÂÂners na sina Ramon S. Ang, Bert Lina, Mikee RoÂmero, George Chua, RayÂmund Yu at Terry Que at Wilfred Uytengsu, ang paÂboritong manalo ng ExeÂcutive of the Year trophy na ipinangalan sa yuÂmaÂong si Crispa bossman DanÂny Floro.
Paglalabanan naman niÂna Grand Slam-winning coaches Norman Black ng Talk ‘N Text at Tim Cone ng San Mig Coffee at LuiÂgi Trillo ng Alaska ang Coach of the Year award, ipiÂnangalan kay Baby Dalupan.
Pararangalan din ng mga miyembro ng 1973 at 1986 champion Asian BasÂketball Confederation teams ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas.
Dadalo sa event sina Bogs AdorÂnaÂdo, Jimmy MaÂriano, ManÂny Paner at Yoyong MarÂtirez ng 1973 team.
- Latest