^

PM Sports

Judiciary tangka ang titulo sa UNTV Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilagay ang pangalan bilang kauna-unahang kampeon ng 1st UNTV Cup ang balak gawin ng Judiciary sa pagharap uli sa Philippine National Police sa Game Two ng finals ngayong gabi sa Araneta Coliseum

Sa ganap na ika-8:00 ng gabi gagawin ang tagisan at hanap ng koponang hawak ni Dennis Balason na maulit ang 80-76 panalo sa unang tagisan ng best-of-three finals noong Oktubre 27.

Bago ang larong ito, matutunghayan muna ang exhibition game sa pagitan ng PBA Legends at koponang binubuo ng mga public servants at celebrities sa ika-6 ng gabi.

Nakitaan ng katatagan ang Judiciary sa unang tagisan nang manalo kahit nakitang naglaho ang double-digits na kalama-ngan sa halftime. Si Don Camaso ay gumawa ng 24 puntos pero sina John Hall at ang mga off-the-bench players na sina John Herbert Bergonio at Frederick Salamat ang mga nagtrabaho sa huling 10 minuto.

Kung manalo ang Judiciary, maibubulsa rin ng koponan ang P1 milyong premyo na ibibigay ng Breakthrough and Milestone Production International sa kanilang napiling   charitable institution.

ARANETA COLISEUM

BREAKTHROUGH AND MILESTONE PRODUCTION INTERNATIONAL

DENNIS BALASON

FREDERICK SALAMAT

GAME TWO

ILAGAY

JOHN HALL

JOHN HERBERT BERGONIO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SI DON CAMASO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with