^

PM Sports

Mag-amang Donaire nagkaayos na para sa laban vs Darchinyan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbalik si three-time world champion Nonito Donaire, Jr. sa piling ng kanyang amang si Nonito, Sr. na siyang nagbigay ng kamalasan kay Vic Darchinyan anim na taon na ang nakararaan.

Ang mag-ama ay inaasahang muling magha-handa para sa rematch nina Donaire at Darchinyan sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas, sa Linggo.

Noong 2007, nakamit ni Donaire ang kanyang unang world title matapos pabagsakin si Darchinyan sa bisa ng isang left hook sa fifth round para agawin sa huli ang suot nitong IBF flyweight crown sa Bridgeport, Connecticut.

Parehong kumuha ang dalawang boksingero ng tig-dalawa pang world titles bago nagkasundo para sa rematch.

Maghaharap ang 30-anyos na si Donaire at ang 37-anyos na si Darchinyan para sa kanilang unang pagsubok sa featherweight division.

Bagama’t walang nakatayang world title sa kanilang 10-round bout, madedetermina naman kung sino sa kanila ang aabante para sa isang world title fight.

“My goal is to fight for the world championship,” sabi ni Donaire na nagkampeon sa flyweight, bantamweight ang super bantamweight divisions bukod pa sa isang interim championship sa superflyweight.

“I’m still a top contender regardless. My focus is game-planning and strategy. Before, my focus was in reducing weight, that was all in my mind. Now, things are different. I’m comfortable as a featherweight.”

Sinabi pa ni Donaire na maghahanap siya ng knockout kung ibibigay ito sa kanya ni Darchinyan kagaya ng nangyari noong 2007. “I look for a knockout in every fight,” aniya. “If it comes, given the opportunity, I’m definitely going for it. If it doesn’t come, I’ll take that, too. I’m going for the win.”

 

vuukle comment

AMERICAN BANK CENTER

BAGAMA

CORPUS CHRISTI

DARCHINYAN

DONAIRE

LINGGO

MAGHAHARAP

NONITO DONAIRE

VIC DARCHINYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with