^

PM Sports

Main bulk ng Phl Team para sa Myanmar SEAG aalis na sa Dec. 3

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Disyembre 3 ang alis ng mga atleta at coaches ng siyam na sports na mauunang lalaruin sa Myanmar SEA Games.

Napagdesisyunan ang petsang ito kahapon sa pagpupulong nina Chief of Mission at POC 2nd VP Jeff Tamayo, POC chairman Tom Carrasco Jr. at PSC chairman Ricardo Garcia.

“Ito na ang maitutu-ring na main bulk dahil nine sports ito at may mga kasama na rin na mga support staff,” wika ni Tamayo.

Ang mga aalis sa petsang ito ay ang basketball, women’s football, boxing, wushu, pencak silat, canoe-kayak, wrestling, badminton at sepak takraw.

Ang mga larong ito ay bubuksan ng mas maaga sa Disyembre 11 na siyang araw ng opening ceremony sa Nay Phi Taw.

“Ok na ang biyahe nila at ang flight ay Manila-Bangkok-Nay Phi Taw dahil walang direct flight,” dagdag ni Tamayo.

Ang delegasyon sa ngayon ay binubuo ng 210 atleta bukod pa sa 76 coaches at kasama na rito ang women’s basketball team na naglalaro pa sa FIBA Asia Championships for Women sa Bangkok, Thailand.

Habang ayos na ang paglipad ng delegasyon, isang problemang hinaharap ni Tamayo ay patungkol sa Flag bearer ng delegasyon.

Si wrestler Jason Balabal ang naunang ninombra para sa puwesto pero nagkakaaberya ngayon dahil ang wrestling na gagawin mula Disyembre 9 hanggang 13 ay lalaruin sa Yangon na limang oras ang biyahe patungong Nay Pyi Taw sakay ang bus.

Si Balabal na gold medalist ng 2011 SEA Games ay kasali sa dalawang events na Greco Roman at Freestyle dahilan upang magkaroon ng problema kung paano makakarating sa takdang oras para sa opening cere-monies sa Disyembre 11.

“Kinakausap ni wrestling president Albert Balde ang Myanmar wrestling federation kung maaayos ang schedule  ni Jason na sa Dec. 13 na lang maglaro sa halip na Dec. 12. Kung hindi magagawan ng paraan, si Dennis Orcollo na World champion sa bilyar, ang ipapalit sa kanya,” wika pa ni Tamayo. (AT)

ALBERT BALDE

ASIA CHAMPIONSHIPS

CHIEF OF MISSION

DENNIS ORCOLLO

DISYEMBRE

GRECO ROMAN

JASON BALABAL

JEFF TAMAYO

TAMAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with