Matapos maghari sa unive tournament Wesley So sasabak sa dalawang events
MANILA, Philippines - Matapos pagharian ang katatapos lamang na 17th Unive Tournament sa Hoogeveen, Netherlands ay sasabak naÂman si Filipino Grandmaster Wesley So sa dalawang torneo.
Ito ang inihayag ng kanyang coach na si GM Susan Polgar sa chessgames.com,
“The next two on his short term calendar are the PanAm and Tata Steel A Group,†wika ni Polgar kay So.
Idinagdag pa ni Polgar na kailangan pang atupagin ng 20-anyos na si So ang kanyang pag-aaral sa WebsÂter University sa Saint Louis, Missouri kung saan siya kuÂmukuha ng kursong Business and Finance.
“He has to make up his school work and deal with his final exams between that,†ani Polgar kay So ng BaÂcoor, Cavite. “If you enjoy his games then support him.â€
Ang Webster University ang 2013 U.S. College Chess Team National Champion.
Para makamit ang korona ng Unive Tournament ay nakipag-draw si So kay top seed English GM Michael Adams sa 21 moves sa final round.
Tinapos ni So, No. 40th player sa buong mundo, ang torneo taglay ang 4.5 points kasunod sina Adams at Dutch GM Robin Van Kampen na may magkakatulad na 3.0 points.
- Latest