^

PM Sports

Bagong finals format ipapatupad sa pag-alis ni stern

Pang-masa

NEW YORK -- Nagsama-sama ang mga team owners bago ang pagbaba sa puwesto ni NBA Commissioner David Stern matapos ang 30 taon sa liga.

Kasama sa pag-alis ni Stern ay ang kanyang ipinatupad na NBA Finals format.

Simula sa 2014 finals, ang higher-seeded team ang mamamahala sa Games 1, 2, 5 at 7, habang ang lower seed ang mangangasiwa sa Games 3, 4 at 6.

Ito ang format na ginagamit ng NBA sa iba pang playoff rounds.

Sa nakaraang 29 taon ay ginagamit ng NBA ang 2-3-2 format kung saan ang higher seed ang namamahala sa Game 1 at 2 bago maglaro ng tatlo sa balwarte ng kanilang kalaban.

Ang 2-3-2 format ay ipinatupad noong 1985 para malaman ang gastusin sa cross-country travel kung saan palaging naglalaro para sa NBA Finals ang Cel-tics at ang Lakers.

“There certainly was a perception ... it was unfair to the team that had the better record, that it was then playing the pivotal Game 5 on the road. So this obviously moves that game back to giving home-court advantage to the team with the better record if it’s a 2-2 series,’’ ani Deputy Commissioner Adam Silver na papalit kay Stern.

Ang unanimous vote para aprubahan ang  2-2-1-1-1 format ay nangyari nitong Miyerkules sa huling final preseason meeting  ni Stern kasama ang board of governors.

CEL

COMMISSIONER DAVID STERN

DEPUTY COMMISSIONER ADAM SILVER

FORMAT

KASAMA

MIYERKULES

NAGSAMA

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with