^

PM Sports

San Mig ang hari PBA Governors’ Cup

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na pinakawalan ng Mixers ang pagkakataon para makamit ang kanilang pang-10 PBA championship.

Bumangon mula sa ka-biguan noong Miyerkules, binalikan ng San Mig Coffee ang Petron Blaze, 87-77, sa Game Seven para angkinin ang 2013 PBA Governors’ Cup sa harap ng 21,319 fans kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng Mixers ang kanilang best-of-se-ven championship series ng Boosters, naglista ng 11-game winning streak matapos matalo sa Meralco Bolts sa single round eliminations, sa 4-3.

Pinantayan naman ng 55-anyos na si San Mig Coffee coach Tim Cone ang 15 PBA crown ni le-gendary Baby Dalupan.

Si Marc Pingris ang hinirang na Finals MVP ng PBA Press Corps mula sa kanyang 19 points, 17 rebounds, 5 shotblocks at 2 assists bukod pa sa kanyang depensa kay Petron import Elijah Millsap sa dulo ng final canto.

Matapos kunin ng Petron ang 2-1 kalamangan sa serye, nanalo ang San Mig sa sumunod na dalawang laro para sa 3-2 kalama-ngan ngunit naitabla ng Petron ang serye sa 3-3 matapos kunin ang Game-6 para sa do-or-die match na ito.

Sandaling magpapa-hinga ang liga at agad magbubukas ng panibagong season sa Nov. 17.

Mauuna rito ay ang pagdaraos ng PBA Rookie Draft sa Robinsons Ermita pagkatapos ng Undas sa Nov. 3.

San Mig Coffee 87 - Blakely 19, Pingris 19, Simon 16, Devance 11, Barroca 10, Yap 8, Mallari 2, De Ocampo 2.

Petron 77 - Millsap 25, Fajardo 20, Lassiter 11, Cabagnot 8, Santos 7, Lutz 4, Kramer 2, Deutchman 0, Tubid 0.

Quarterscores: 19-19, 41-39, 65-61, 87-77.t

 

vuukle comment

BABY DALUPAN

DE OCAMPO

ELIJAH MILLSAP

GAME SEVEN

MERALCO BOLTS

PETRON

PETRON BLAZE

PRESS CORPS

ROBINSONS ERMITA

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with