^

PM Sports

Cagayan, Zambales nakauna

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpakilala si Don Trollano sa bagong koponan na Cagayan Valley Rising Suns nang ga-bayan niya ito sa 83-74 panalo sa Café France sa pagbubukas kahapon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.

Si Trollano na nag-laro para sa Adamson sa UAAP at naghatid lamang ng 7.43 puntos at 3.43 rebounds sa 14 laro, ay  gumawa ng 22 puntos at 11 rebounds upang bigyan ng magandang panimula ang kampanya ni coach Alvin Pua.

Tila isang beterano sa Rising Suns si Trollano nang ibuhos ang 19 puntos sa second half para hindi maagaw ng Bakers ang panalo.

Ang dating manlalaro ng Cagayan na sina Ping Eximiniano at Eliud Poligrates ay nagtambal sa 30 puntos pero hindi nagdeliber ang mga bagong hugot galing sa Centro Escolar University para kapusin sa huli.

Nauna rito, may 12 sa kanyang 21 puntos si Jett Vidal sa huling yugto para tulungan ang Zambales M-Builders sa 79-73 panalo sa Derulo Accelero sa labanan ng dalawang baguhan sa liga.

Apat na tres ang ginawa ni Vidal para pagni-ngasin ang 22-4 run na nagbangon sa koponan mula sa 56-64 iskor mahigit anim na minuto na lamang ang nalalabi.

Si Mike Tolomia ay naghatid pa ng 20 puntos habang si Jericho Cruz ay may 10 para makasalo agad ang Zambales M-Builders sa liderato sa 14 na koponang liga.

 

 

vuukle comment

ALVIN PUA

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

D-LEAGUE ASPIRANTS

DERULO ACCELERO

DON TROLLANO

ELIUD POLIGRATES

JERICHO CRUZ

JETT VIDAL

ZAMBALES M-BUILDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with