^

PM Sports

Pahinga muna si LeBron

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lumaro si LeBron James sa  preseason game ng Miami kontra sa San Antonio nitong Sabado ng gabi para makapagpahinga.

Nanalo ang Miami sa larong ito, 121-96 kahit wala ang kanilang star player na sumalang sa lahat ng naunang limang exhibition game ng Heat.

Wala naman siyang injury at ayon sa kanya ay nagpahinga lamang siya.

Ang Heat ay may dalawang laro sa susunod na linggo sa pagtatapos ng kanilang preseason schedule.

Ayon kay James, lalaro na siya nitong Miyerkules sa paghaharap ng Miami sa New Orleans ngunit baka hindi ito lumaro sa kanilang preseason finale sa sari-ling balwarte kontra sa  Brooklyn sa Biyernes.

Si James Jones ang pumalit kay James bilang starter, kasama ang iba pang regular Miami starters na sina Udonis Haslem, Chris Bosh, Dwyane Wade at Mario Chalmers.

Sa iba pang preseason game, nanalo ang New Orleans sa Washington, 93-89; Dallas kontra sa Charlotte, 89-83; Indiana sa Cleveland, 102-79; at LA Clippers kontra sa Denver, 118-111.

vuukle comment

ANG HEAT

AYON

BIYERNES

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

MARIO CHALMERS

NEW ORLEANS

SAN ANTONIO

SI JAMES JONES

UDONIS HASLEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with