^

PM Sports

Perfect season para sa Cagayan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtala ang Cagayan Province ng kasaysayan ng Shakey’s V-League bilang natatanging koponan na hindi natalo sa buong conference matapos gapiin ang Smart-Maynilad, 25-16,19-25, 25-15, 22-25, 15-7, sa Game Two ng Season 10 Open Confe-rence sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Itinatak ng Lady Ri-sing Suns ang ipinagmamalaking husay sa deciding fifth set nang sina Kannika Thipachot, Aiza Maizo at Angeli Tabaquero ang nagtulung-tulong para hawakan ng koponan ang 8-2 kalamangan at  hiranging kampeon sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nasa finals ang Cagayan at naka-bawi na sila sa pagkatalo na nalasap sa Sandugo-San Sebastian noong nakaraang taon.

Ito rin ang ika-16 sunod na panalo ng tropa ni coach Nestor Pamilar para maging kauna-unahang koponan na naka-sweep ng isang conference.

Si Thipachot at Tabaquero ay gumawa ng 24 at 18 hits at nagsanib sa 36 kills habang si Maizo ay may walong puntos, dalawa rito ang nagbigay ng anim na puntos na kalamangan sa fifth set.

Tumulong din ang ibang manlalaro tulad nina Wenneth  Eulalio at Pau Soriano na may tig-tatlong blocks para bigyan ang Cagayan ng 14-9 kalamangan sa nasabing departamento.

Ang Thai setter na si Phomla Soraya ay may dalawang aces bukod pa ang 53 excellent sets para ibigay sa kanya ang Finals MVP ng ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

Si Dindin Santiago na MVP ng first conference na napagwagian ng National University ay mayroong 23 kills tungo sa 26 puntos habang sina Lithawat Kesinee at Alyssa Valdez ay may tig-13 hits.

Ngunit ininda ng husto ng Net Spikers ang 32 puntos na kanilang ibi-nigay sa Cagayan.

Inangkin naman ng dating kampeon na Phi-lippine Army ang ikatlong puwesto sa pamamagitan ng 25-18, 23-25, 25-23, 25-15, panalo sa Philip-pine Air Force para tapusin din ang  best-of-three series sa 2-0.

 

vuukle comment

AIR FORCE

AIZA MAIZO

ALYSSA VALDEZ

ANG THAI

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN PROVINCE

GAME TWO

KANNIKA THIPACHOT

LADY RI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with