Jeric Teng, Garcia nag-apply sa Draft
MANILA, Philippines - Nag-apply na sina UAAP standouts Jeric Teng at Ryan Roose ‘RR’ Garcia para sa 2013 PBA Rookie Draft kaya nagkaroon ng mahuhusay na guards ang pagpipiliang grupo na dominado ng big men sa pa-ngunguna nina Greg Slaughter, Ian Sangalang at Raymond Almazan.
Nag-apply si Garcia, chief playmaker ng FEU matapos iwanan ni Mark Barroca ang Tamaraws noong 2011, sa draft kahapon ng umaga kaya marami ang nagtatanong kung lalaro ito sa Gilas cadet team sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Myanmar.
“Actually, the Samahang Basketbol ng Pilipinas, through executive director Sonny Barrios, has a pending request with the PBA board to allow Gilas cadet players drafted in the PBA to still join the Phl team in the SEA Games in December,†sabi ni PBA media bureau chief Willie Marcial. “I know that Raymond Almazan is specifically mentioned in the letter. I’m not yet sure with the case of Garcia.â€
Sina Garcia, Slaughter at Nico Salva ay kabilang sa Gilas team ni coach Norman Black na naghari sa 2011 SEA Games sa Jakarta.
Ang tatlo ay nagdesisyon nang umakyat sa pro league at inaasahang mauuna silang mapipili sa 2013 Draft na nakatakda sa Nov. 3 sa Robinson’s Place Ermita.
Nanalo ang Barangay Ginebra kontra sa San Mig Coffee sa ginawang bunutan ng top pick at inaasahang gagamitin ng Kings ang kanilang pick kay 7-foot-1 Slaughter.
Kung kukunin ng Kings si Slaughter, inaasahang makukuntento ang Mixers sa isa pang dating Gilas cadet player na si Ian Sangalang.
Ang iba pang nag-apply sa draft ay sina RJ Cawa-ling ng FEU, Carlo Lastimosa ng St. Benilde, Joshua Webb ng La Salle, Tata Marata ng UP, John Villarias at John Derico Lopez ng JRU.
Nuna nang nag-apply sina Justin Chua at Chris Sumalinog ng Ateneo, Jeric Fortuna ng UST, Jett Vidal ng Perpetual Help, Mike Silungan at Mark Lopez ng UP, Mark Bringas at Jens Knuttel ng FEU, James Camson ng Adamson, Jose Caram ng San Beda, Dave Najorda at Franz Delgado ng San Sebastian, Nate Matute, Jester Apinan ng JRU, James Forrester ng Arellano, Joseph Terso ng NU, Ryeon delos Trinos at Reigner Macasaet ng UM.
Umabot na sa 60 players ang nag-apply sa draft kahapon.
Ilalabas ng PBA ang official draft roster pagkatapos isagawa ang rookie biometrics at matapos suriin ng Commissioner’s Office ang mga isinumiteng requirements.
Ang draft order sa first round ay Ginebra, San Mig Coffee, Rain or Shine, Barako Bull, Barako Bull, Barako Bull, Globalport, Alaska Milk, Rain or Shine at San Mig Coffee. Ang iba ay may dalawa o higit pang picks at ang iba ay walang picks bunga ng kanilang mga pinasukang trade deals.
- Latest