Liderato muling nakuha ng Letran Knights
MANILA, Philippines - Sumandal ang Letran College kay Raymond Almazan para gibain ang San Sebastian, 75-68, sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Umiskor ang 6-foot-7 na si Almazan ng 20 points, kasama dito ang piÂto sa huling tatlong miÂnuto ng laro, para muling ibiÂgay sa Knights ang liÂderato.
Nakasiguro na ang Knights at ang Red Lions ng ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four at nakatakdang paglabanan ang No. 1 berth sa OktubÂre 21.
Sa unang laro, inalisan ng Lyceum ng tsansa ang Jose Rizal University para sa isang playoff sa Final Four nang kunin ang 73-72 panalo.
Kumonekta si Dexter ZaÂmora ng isang running floater kasabay ng pagtunog ng final buzzer para ilusot ang Pirates laban sa Heavy Bombers.
Letran 75 - Almazan 20, Cruz 16, Racal 14, Ruaya 9, Belorio 6, Buenaflor 4, Tambeling 3, Nambatac 2, Gabawan 1, Castro 0, Po 0, Luib 0.
SSC 68 - Dela Cruz 21, Perez 16, Guinto 10, Ortuoste 9, Tano 6, Trinidad 4, BaÂlucanag 2, Rebollos 0, Vergara 0, De Vera 0, Gusi 0, Aquino 0.
Quarterscores: 20-13; 31-30; 55-52; 75-68.
- Latest
















