Nets binigyan ng panalo si Kidd bilang coach
WASHINGTON -- Naglista si Tyshawn Taylor ng 16 points at nakamit ni Jason Kidd ang una niyang panalo sa kanyang coaching debut para sa Brooklyn Nets.
Binuksan ng Nets ang preseason mula sa isang 111-106 overtime victory laban sa Washington Wizards.
Ibinandera ng Nets sina Paul Pierce at Kevin Garnett, nanggaling sa Boston Celtics.
Pinaglaro ni Kidd ang kanyang mga starters sa loob laÂmang ng tig-12 minuto kung saan umiskor si Brook Lopez ng 15 points.
Si Pierce ay may 3 points at 4 fouls, habang nagtala si Garnett ng 4 points.
Pinangunahan ni Nene ang Wizards mula sa kanyang 19 points at nagdagdag si John Wall ng 16 points at 8 assists.
- Latest

















