Lakers wagi sa Nuggets sa pre-season game
ONTARIO, Calif. -- Umiskor si Steve Blake ng 16 points at nagdagdag ng 14 si Pau Gasol para igiya ang Los Angeles Lakers sa 90-88 panalo kontra sa Denver NugÂgets sa gabing nanood lamang si Kobe Bryant sasidelines.
Sumama si Bryant sa Lakers matapos ang isang proÂcedure sa kanyang tuhod sa Germany.
Tumanggap siya ng standing ovation nang tumunÂtong sa basketball court para sa warm-ups ng LaÂkers at naupo sa bench nang simulan ang laro.
Hindi nagpaunlak ng panayam si Bryant, nanggaÂling sa isang torn Achilles tendon injury.
Isinalpak ni Blake ang isa sa dalawa niyang free throws sa natitirang anim na segundo kasunod ang minÂtis na free throws ng Denver sa kanilang huling poÂsesyon.
Humakot naman si Chris Kaman ng 12 points at 7 rebounds, habang nagposte si Jordan Hill ng 12 rebounds.
Tumipa si JaVale McGhee ng 14 points para sa Denver.
- Latest
















