Sweep uli ang target ng Cagayan
MANILA, Philippines - Matapos ma-sweep ang elimination at quarterfinals, tangka naman ng top seed Cagayan Province na ma-sweep ang No. 4 Air Force sa kanilang best-of-three series sa pagsisimula ng semifinals ngayon ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan.
Alas-3:00 ng hapon ang Game One ng Caga-yan at Air Force, susundan ito ng pagtatapat ng Smart-Maynilad at Army sa isa pang best-of-three semifinals sa alas-5:00 ng hapon.
Tinalo ng Rising Suns ang Air Women sa elims at quarters at ito ang nais nilang mangyari uli sa kanilang sagupaan ngayon.
“It’s nice to get into the semis with a winning feeling, especially co-ming off a sweep,†sabi ni Cagayan coach Nes Pamilar matapos matakasan ang Army Women sa 5-sets noong Linggo na kumumpleto ng kanilang 12-game sweep. “But the semis is a different stage, there’s no room for over-confidence and we must work doubly hard.â€
Sa pangunguna nina Thai ace Kannika Thipa-chot, Aiza Maizo at Angeli Tabaquero, nais ideretso ng Rising Suns ang kanilang pagpapanalo sa 13.
Umaasa ang Air Women na madadale na nila ngayon ang Rising Suns ngunit kailangang magtrabaho ang mga bata ni coach Clarence Esteban sa pangunguna nina Joy Cases, Judy Ann Caballero, Wendy Semana, Maika Ortiz, Iari Yongco at skipper Liza de Ramos.
Magiging mainit naman ang labanan ng Smart at Army at inaasahang masasagad ang kanilang serye.
“We beat them in the quarters but that’s not a guarantee we could beat them again since the semis is a different thing. Anything can happen,†sabi ni Smart-Maynilad mentor Roger Gorayeb.
- Latest