^

PM Sports

Darating na si Roach

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaasahang darating ngayon sa bansa si chief trainer Freddie Roach para simulan ang kanilang paghahanda ni Manny Pacquiao kaugnay sa laban ng Filipino boxing superstar kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios.

Matagumpay na naigiya ni Roach si dating world welterweight titlist Miguel Cotto ng Puerto Rico sa isang third-round KO win kay Delvin Rod-riguez ng Dominican Republic noong Linggo sa Orlando, Florida.

Mula sa Maynila ay kaagad na didiretso si Roach sa General Santos City kung saan nagsasanay si Pacquiao sa kanyang Pacman Wild Card Gym.

Inspirado ngayon si Pacquiao matapos ibunyag ng kanyang asawang si Jinkee na tatlong buwan na buntis siya sa kanilang pang-limang anak.

Makakatuwang ni Roach sa pagpapakondis-yon sa Filipino world-eight division champion si strength and conditioning coach Justine Fortune.

Ang Australian na si Fortune ay nagsilbi kina Pacquiao at Roach simula noong 2001 hanggang 2007 kasunod ang pagpasok sa eksena ni Alex Ariza noong 2008.

Si Ariza ay kinuha naman ni Mexican trainer Robert Garcia para sa paghahanda ni Rios (31-1-1, 23 KO’s) na sasagupa kay Pacquiao (54-5-2, 38 KO’s) sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.

Wala pang nakakapagsabi kung magdadala ng sparmates si Roach sa kanyang pagdating sa bansa. Nangayaw ang wala sa kondisyong si Filipino middleweight prospect Marlon Alta (12-3-0, 9 KOs) matapos mapabagsak ni Pacquiao sa isa nilang sparring session.

Si light welterweight Dan Nazareno (17-10-0, 13 KOs) ang ipinalit kay Alta.

vuukle comment

ALEX ARIZA

ANG AUSTRALIAN

BAM BAM

DAN NAZARENO

DELVIN ROD

DOMINICAN REPUBLIC

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

JUSTINE FORTUNE

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with