Kinumpleto ng Air Force ang semis cast
QUARTERFINALS
TEAM W L
#-Cagayan 11 0
#-Phl Army 9 1
#-Smart 6 4
#-Phl Air Force 6 5
x-Meralco 3 7
x-PNP 2 8
#-sigurado na sa Final 4
x-wala nang pag-asa
LARO SA BIYERNES
(The Arena, San Juan)
2 p.m. – PNP vs Meralco
4 p.m. – Smart-Maynilad vs Army
MANILA, Philippines - Nakabawi ang Phl Air Force sa mahinang simula at kumayod sa fourth set tungo sa 19-25, 25-20, 25-14, 25-22 panalo kontra sa Meralco para makumpleto ang Final Four cast ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Nagpakawala si Judy Ann Caballejo ng game-high na 21 hits habang sina Joy Cases, Maika Ortiz at Wendy Ann Semana ay nagdagdag ng 17, 11 at 10 points ayon sa pagkakasunod tungo sa ikaanim na panalo ngAir Women sa 11-laro para makapasok sa susunod na round at nahatak din nila ang Smart-Maynilad (6-4) sa carryover semis.
Nagtala si Chinese hitter Coco Wang ng 20 hits habang sina Maureen Ouano at Stephanie Mercado ay nagtulung-tulong sa 27 points ngunit hindi nasustinehan ng Power Spikers ang kanilang mainit na simula para bumagsak sa 3-7 slate at masibak sa kontensiyon tulad ng Phl National Police (2-8).
Nasorpresa naman ang Cagayan Province sa mabigat na hamon na ibinigay ng Philippine National Police ngunit nagawa pa rin nilang magtagumpay, 25-20, 25-21, 22-25, 25-21 para makalapit sa pag-sweep sa quarterfinals.
Dahil hindi masyadong ginamit si Thai ace Kannika Thipachot at pinagpahinga si skipper Angeli Tabaquero, gumana ang mainit na kamay ni Aiza Maizo na nagpamalas ng 24-hit game habang nag-step-up sina Sandra delos Santos na may four blocks tungo sa 12-point performance para sa Rising Suns na dumiretso sa ika-11 sunod na panalo matapos ma-sweep ang 7-game eliminations.
Magandang preparasyon ang panalong ito para sa Cagayan sa kanilang inaabangang pagharap sa Army sa huling araw ng quarters sa Linggo kung saan ang mananalo ang siyang kokopo ng top seeding sa Final Four ng conference na sponsored ng Shakey’s.
Sa taglay na 9-1 slate, ang Army Women ay may tsansa pa sa No. 1 kung maipapanalo nila ang huling dalawang laban sa torneo na suportado ng Mikasa at Accel.
- Latest