Smart babawian ang Cagayan sa V-League
MANILA, Philippines - Bitbit ang mas matikas na line-up, balak ng Smart-Maynilad na bawian ang Cagayan Province sa kanilang pagtutuos sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngaÂyon sa The Arena sa San Juan City.
Lumasap ang Net Spikers ng 23-25, 24-26, 20-25 pagkatalo sa Lady RiÂsing Suns sa elimination round sa panahong guÂmagamit lamang ang koÂponan ng walong manÂlaÂlaro.
Ngunit iba ang inaasahang kalalabasan sa laÂrong itinakda sa alas-4 ng hapon dahil mas luÂmaÂkas na ang tropa ni head coach Roger Gorayeb sa pagpasok nina Thai import Lithawat Kesinee at Alyssa Valdez.
Sa tatlong laro, nagtala si Valdez ng 80 points mula sa 60 kills, 15 aces at 5 blocks, para sa kanyang 27-hit average.
Tangan ang 6-3 baÂraha, ang makukuha ring panalo sa tampok na laro ang mag-aakay sa Smart sa Final Four kasama ang CaÂgayan at Philippine ArÂmy.
Asahan naman na maÂkikipagpukpukan ang Lady Rising Suns para maÂiÂsulong ang ratsada sa 10 sunod.
Magsusukatan naman ang Army at ang Philippine Air Force sa unang laÂro sa alas-2 ng hapon.
- Latest