Lumakas ang tsansa ng Smart sa Final 4
MANILA, Philippines - Nagpamalas ng impresibong laro si Alyssa Valdez at Gretchel Soltones upang igupo ng Smart-Maynilad ang Philippine National Police, 17-25, 25-17, 25-20, 25-22 para palakasin ang kanilang tsansa sa Final 4 sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 Open Confe-rence quarterfinals sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Sa huling bahagi na ng first set nakapasok sa laro sina Valdez at Soltones dahil sa conflict sa sche-dule sa kanilang eskuwelahan kaya naka-una ang Lady Patrolers.
Ngunit bumawi ang dalawa upang ihatid sa ikalawang sunod na tagumpay ang Net Spikers sa carryover quarterfinal phase para sa 6-3 card sa ligang sponsored ng Shakey’s.
Nanatili ang Smart-Maynilad sa third sa likod ng semifinalists nang Cagayan Province (8-0) at Army (8-1) at ang panalo ay pampataas ng kanilang morale para sa pagharap sa Cagayan bukas.
Bumangon naman ang Cagayan Province mula sa five-point deficit sa deciding set tungo sa 25-14, 16-25, 25-22, 23-25, 15-13 panao sa Meralco
Sinamantala ng Rising Sunsang error ni Chinese import Coco Wang para makakawala sa 13-all sa fifth bago nagpakawala si Aiza Maizo ng match-clinching spike para humigpit ang kapit sa ng Rising Suns sa top seeding ng Final Four.
Ito ay masamang pagkatalo sa Power Spikers na may momentum na sa fourth-set at nakauna sa deciding set ng five points ngunit kumulapso lamang sa dakong huli.
- Latest