2015 All Star sa New York; 2016 sa Toronto
Alam na natin na ang 2014 NBA All-Star Game ay gagawin sa New Orleans, dalawang Abril na ang nakakaraan matapos makipagkasundo si New Orleans Saints owner Tom Benson sa isang deal para mabili ang dating league-owned Hornets na nagbigay daan sa pagkabuhay ng Pelicans at rebirth ng Charlotte Hornets.
Ngayon, ayon sa mga ulat nitong Martes, malapit nang maisaayos sa dalawang destinations ang mga susunod na dalawang February exhibition All-Star extravaganza.
Una, iniulat ni Fred Kerber ng New York Post na ang preparasyon para sa pagdaraos ng 2015 All-Star Game na hinati sa New York Knicks at Brooklyn Nets na tinalakay ni incoming NBA Commissioner Adam Silver sa nakaraang All-Star Weekend noong Februa-ry sa Houston ay malapit nang matapos.
Ang planong hatiin ang mga activities sa dalawang teams ay iminungkahi noong February kung saan ang arrangements para sa Sunday All-Star Game ay gagawin sa Madison Square Garden at ang ibang festivities tulad ng dunk contest, 3-point shootout at skills competitions ay gagawin sa Barclays Center ngunit hindi pa ito inihahayag sa publiko.
“There are still some logistics to be worked out, but it looks like the announcement will be this week,†sabi ng isang source.
Iniulat din ni Kerber na nais ng NBA na gawin uli ang ASG sa NYC sa 2017 o ‘18.
Ang 2015 ang ikalimang All-Star appearance sa New York na huling nangyari noong 1998.
Ayon naman sa ulat ni Ryan Wolstat sa Toronto Sun, malapit nang makuha ng Raptors ang hosting ng 2016 NBA all-star weekend.
Inaasahang magkakaroon ng official announcement kasabay ng paghahayag ng mga detalye ng aktibidades na isasabay sa 20th –anniversary season ng Toronto Raptors.
Ayon kay Wolstat, may mga tinatalakay pang detalye sa plano ng Toronto at ito ay top priority ni Tim Leiweke, ang president at chief executive officer ng Maple Leaf Sports and Entertainment, ang panguna-hing kumpanyang may-ari ng Raptors, Toronto Maple Leafs sa NHL, Major League Soccer’s Toronto FC at Air Canada Centre kung saan naglalaro ang Raps.
- Latest