^

PM Sports

Unang gold sa Batang Pinoy Visayas kuha ng Cebuano runner

Pang-masa

MAASIN CITY, Leyte, Philippines -- Inangkin ni Ivan Miguel Santos ng Cebu City ang unang gold medal na itinaya sa Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg matapos pangunahan ang boys 5,000-meter kahapon sa Southern Leyte Sports Complex dito.

Ang 14-anyos na si  Santos, anak ni Lt. Col. Michael Santos na naka-base na sa Cotabato City, ay naka-pacing mula simula hanggang sa huli bagama’t may sipon at ubo ito para tapusin ang karera sa bilis na 18-minuto at 31 segundo.

“Salamat sa Diyos na nanalo ako kahit masama ang pakiramdam ko,” sabi ng 5-foot-9 na si Santos, high school junior sa University of San Carlos na ginagabayan nina coaches Arvin Loberanis at Ilde Banson.

Ang paboritong event ni Santos ay 3,000 steeplechase na wala sa palarong ito kaya nagdesisyon ang kanyang mga coaches na ilahok na lamang siya  sa middle at long distance events.

Tulad ni Santos, nanalo rin ng gold ang kanyang teammate na si Shantel Tanucan sa long jump event sa kanyang lundag na 4.56 meters.

ARVIN LOBERANIS

CEBU CITY

COTABATO CITY

ILDE BANSON

IVAN MIGUEL SANTOS

MICHAEL SANTOS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION-PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE BATANG PINOY VISAYAS

SHANTEL TANUCAN

SOUTHERN LEYTE SPORTS COMPLEX

UNIVERSITY OF SAN CARLOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with