One Run, One Philippines ilalarga ng ABS-CBN sa Oct. 6
MANILA, Philippines - Pagkakaroon ng kong-kretong pinatutunguhan ng pondong nalikom ang siyang sinasandalan ng ABS-CBN foundation para patuloy na makuha ang suporta ng taong-bayan sa ilulunsad na mas malaking eco-race na One Run, One Philippines sa Oktubre 6.
Ang patakbong ito ay dating kilala bilang Pasig River Run pero sa ika-60th anniversary ng network ay naisipan ng pamunuan na palakihin ito sa pamamagitan ng simultaneous run sa limang magkakahiwalay na lugar na ang pera ay gagamitin para ipondo sa mga eco projects.
“This is our fifth year and we have been doing well with our goal to rehabilitate Pasig River in the past four years. We have raised P25.94 million and we’ve been carefully monitoring the funds making sure that all money will be accounted for,†wika ni ABS-CBN Foundation managing director Gina Lopez sa pormal na paglulunsad kahapon sa Torre Venezia Suites sa Quezon City.
Ang paglilinis sa Ilog Pasig pa rin ang pangunahing proyekto at ang pondo ay kukunin sa mga sasali sa patakbo na gagawin sa Quezon City Memorial Circle.
Pero magkakaroon din ng magkasabay na takbo sa Cebu City, Davao City, Bacolod City at sa Burbank California na ang proceeds ay gagamitin sa progra-mang pangkalikasan sa nasabing mga lugar.
Sa 21K, 10K at 5K ang distansyang puwedeng salihan at ang mga nais na sumali ay puwedeng magpatala sa SM Malls, Chris Sports at sa mga istasyon ng ABS-CBN.
“We are again seeking everybody’s support because this is not a project of the ABS-CBN but the entire Filipino people. We can make dreams a reality if we will work together,†sabi pa ni Lopez.
- Latest