^

PM Sports

Archers inangkin ang no. 2 Berth: Bulldogs sasagupain ang Tigers ngayon sa Final 4

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinandalan ng De La Salle University ang ma­init na pagbuslo sa three-point line para iuwi ang 74-69 tagumpay laban sa Far Eastern Universi­ty sa kanilang playoff game sa 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May season-high na 11 tres ang Green Archers sa laro at si LA Revilla na bumanat lamang ng apat sa 12 laban ay may 6-of-11 shooting para sa ka­nilang ‘twice-to-beat’ ad­vantage sa Final Four kon­­tra sa Tamaraws.

Tumapos si Revilla na may 20 points.

Opisyal na magsisi­mula ang semis match-up ng dalawa sa Miyerkules at kailangan lamang ng tropa ni coach Juno Sauler na manalo pa para umabante sa Finals.

“We have to come into this game mentally ready and mentally tough,” wi­ka ni Revilla na naghahatid lamang ng 4.3 puntos average sa season.

Ang kanyang pinakamahalagang kontribusyon ay ang pang-anim na tres sa 55.1 segundo na pumi­gil sa 12-2 palitan upang ang FEU ay makabangon mula sa 51-66 iskor at nakapanakot sa 63-68.

Matapos malimitahan sa tatlong puntos sa first half, kumamada si Terrence Romeo at tumapos pa taglay ang 22 puntos sa mahinang 6-of-21 shoo­ting.

Pero ang tunay na inin­da ng tropa ni coach Nash Racela ay ang malam­yang 5-of-34 shooting sa 3-point line matapos hi­rangin bilang No. 1 3-point shooting team sa eli­mination round.

“We worked on our shots and we were just for­tunate we were able to hit our open shots. But still, we could have done a better way in clo­sing out the game,” wika ni Sauler sa La Salle na sumasakay sa isang eight-game winning streak.

Samantala, magku­krus ang landas ng No. 1 team National Universi­ty at fourth ranked Univer­sity of Sto. Tomas sa Smart Araneta Coliseum nga­yong alas-4 ng hapon sa kanilang Final Four.

Kailangan lamang ma­nalo ng Bulldogs sa runner-up noong nakaraang taon na Tigers upang makapasok sa UAAP Finals na huling nangyari noon pang 1954-55 season.

La Salle 74 - Revilla 20, Perkins 14, Teng 13, Van Opstal 6, T. Torres 6, Salem 6, Vosotros 4, N. Torres 3, Tampus 2, De La Paz 0.

FEU 69 - Romeo 22, Garcia 16, Belo 9, Tolomia 6, Mendoza 6, Pogoy 4, Hargrove 4, Cruz 2, Sentcheu 2.

Quarterscores: 18-11; 37-27; 60-49; 74-69.

 

DE LA PAZ

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSI

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

JUNO SAULER

LA SALLE

REVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with