^

PM Sports

Kabayong May Name Jon nagpakita ng galing sa ilalim ni Jockey Hernandez

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipakita rin ng kabayong My Name Jon ang ba­ngis nito nang manalo sa three-year old race noong Mar­tes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Ca­vite.

Si Jonathan Hernandez ang hinete ng kabayo na agad na kinuha ang unahan sa nasabing 1,300-metro distansyang karera at walang lingun-lingon na iniwan ang apat na kalaban para sa magarang panalo.

Naghabol kaagad ang Wow Jazziee  sa pagdadala ni Esteban de Vera at third choice sa karera, ngunit hin­di nanatili ang malakas na ayre ng My Name Jon na se­cond choice sa bentahan.

Sa huling kurbada ay unti-unting bumitaw ang Wow Jazziee, habang ang naunang nangulelat na top choice na Connor Topnotcher ay naging malakas ang da­ting.

Pero pinatulin pa ni Hernandez ang sinakyang ka­bayo patungo sa banderang tapos na panalo at iwanan ng halos apat na dipa ang Connor Topnotcher na dinis­kartehan ni JB Bacaycay.

Dikit ang mga benta ng nagsilahok at ang win ay nag­kakahalaga pa ng P37.50, habang nasa P31.50 ang ibinigay sa 3-2 forecast.

Ang long shot sa pitong karerang pinaglabanan na ginawa sa Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ay ang Fine Bluff sa pagdadala ni AR Villegas.

Isa ring 3YO Handicap race ang tagisan at nakabuti ang hindi pagbitiw ng Fine Bluff sa kapit sa balya para maisantabi ang hamon ng top choice na Northlander na hawak ni JA Guce.

Mula simula ay magkasama nang umalagwa ang da­lawang kabayo at sa rekta ay magkapantay na ang Fine Bluff at Northlander.

Sa puntong ito, gumamit na ng mga latigo ang mga hi­nete ng kabayo ngunit ang maayos na tumugon ay ang Fine Bluff para mapanatili ang kalahating dipang ag­wat sa meta.

Ang three year old filly na may lahing Ultimate Goal at Cleave Bill ay naghatid ng P41.50 sa win para lumabas bilang pinakadehado sa mga nanalo sa ikalawang sunod na araw na ang karera ay ginawa sa San La­zaro.

Ang 4-6 forecast ay naghatid ng P153.00 dibidendo.

Lumabas naman bilang pinakamahusay na hinete ay si Jeff Zarate na naghatid ng dalawang panalo sa pitong karerang pinaglabanan.

Ang unang kuminang sa pagdadala ng class A jockey ay ang Allbymyself sa 3YO and Above Mai­den Race at tinalo ng tambalan ang Café Rodolfo ni JB Guce, habang ang ikalawang kabayo na namayani ay ang Amberdini sa  isa ring 3YO Special Handicap Race laban sa Rabble Rouser ni Villegas.

Pinakaliyamadong nanalo ang Allbymyself  na ki­numbra ang unang opisyal na panalo sa horse racing nang magpasok ito ng P9.00 sa win at ang 1-5 forecast ay mayroong P36.50 dibidendo.

Ang Amberdini ay naghatid ng P20.50 sa win at P25.50 sa 2-4 forecast.

ABOVE MAI

ALLBYMYSELF

ANG AMBERDINI

CLEAVE BILL

CONNOR TOPNOTCHER

FINE BLUFF

MY NAME JON

SHY

WOW JAZZIEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with