^

PM Sports

Magarbo at sikretong kasal ni LeBron

Pang-masa

SAN DIEGO — May bagong singsing si LeBron James.



Pinakasalan ng Miami Heat star si Savannah Brinson sa Grand del Mar Hotel sa San Diego sa isang magarbo ngunit napakasikretong seremonya noong Sabado, ayon sa dalawang taong alam ang nangyari sa naganap na seremonya.

May 200 guests sa private wedding na piling-pili ang mga naging panauhin, ayon sa mga source.

Ang seremonya ang tampok sa three-day celebration na kinapalooban ng brunch  noong Linggo.



Sina James at Brinson, 27-gulang, ay magkasintahan na mula pa noong high school at may dalawang anak na sina LeBron Jr.  na 8-gulang at Bryce, 6.

Ang buong team ay nasa kasalan sa pangunguna ni Dwyane Wade na sinamahan ng kanyang asawang si actress Gabriel Union,  ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Mahigpit ang naging seguridad sa kasalan na nangyari makalipas ang tatlong buwan matapos manalo si James at ang Heat ng kanilang ikalawang sunod na NBA title.



Ayon sa Us Weekly, ang mga nakasama sa mga piling guest ay sinorpresa ng  pagkanta ng ‘Crazy in Love’ ni Beyoncé at Jay Z na may kasamang banda.

 

vuukle comment

DWYANE WADE

GABRIEL UNION

JAY Z

MAR HOTEL

MIAMI HEAT

SAN DIEGO

SAVANNAH BRINSON

SINA JAMES

US WEEKLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with