^

PM Sports

Army, Smart-Maynilad pag-aagawan ang No. 2 seat

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng Ar­my at ng Smart-Maynilad ang ikalawang puwesto, ha­­bang hangad naman ng Air Force  ang quarter­fi­nals seat sa Shakey’s V-League Season 10 Open Con­ference sa The Are­na sa San Juan City.

Ika-limang panalo ang maitatala ng mana­na­lo sa pagitan ng Lady Troopers (4-1) at Net Spikers (4-2) sa kanilang laro ngayong alas-4 ng hapon.

Unang magsasagupa ang Air Force at ang Phi­lippine National Police sa alas-2 ng hapon at ikaapat na tagumpay ma­tapos ang anim na laro ang masusungkit ng Air Women pa­ra makausad sa quarterfinals.

Asahan na magiging mainit ang laban ng PNP na nais na wakasan ang apat na sunod na pagka­talo at malagay sa panga­lawa sa huling puwesto sa walong koponang liga na may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Tinapos ng Net Spi­kers ang dalawang sunod na pagkatalo nang pabagsakin ang Philippine Na­vy via straight sets nang maglaro sa unang pagka­ka­taon sa koponan si Thai import Kesinee Lithawat

May 20 hits si Lithawat para pagtibayin ang ata­ke ng tropa ni coach Ro­ger Gorayeb na dating iniaasa kina Sue Roces, Maru Banaticla, Gretchel Soltones at Charo Soria­no.

Hindi naman magpa­pa­daig ang Army kung labanan sa net ang pag-uusapan dahil nasa koponan si­na Jovelyn Gonzaga, MJ Balse Angela Benting, Michelle Carolino at Rachel Anne Daquis.

 

 

vuukle comment

AIR FORCE

AIR WOMEN

BALSE ANGELA BENTING

CHARO SORIA

GRETCHEL SOLTONES

JOVELYN GONZAGA

KESINEE LITHAWAT

LADY TROOPERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with