Dating conditioning coach ni Pacquiao na si Ariza lumipat sa kampo ni Rios
MANILA, Philippines - Mula sa kampo ni Manny Pacquiao ay lumipat si strength and conditioning coach Alex Ariza sa grupo ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios.
Kinuha ni Mexican chief trainer Robert Garcia si Ariza sa isang two-week trial basis para gabayan ang kondisyon at kalusugan ni Rios na sasagupain si Pacquiao sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
“Ariza had not been hired for the whole camp but rather for the trial period to see how everyone gets along,†sabi ni Nancy Rodriguez, ang publicist ng 27-anyos na si Rios.
Bukod kay Rios, inaa-lagaan din ni Ariza si da-ting featherweight champion Mikey Garcia, ang nakababatang kapatid ng Mexican trainer.
Ang kontrobersyal na strength and conditioning coach na si Angel Heredia, gumagabay kay Juan Manuel Marquez, ang umagapay kay Rios sa kanyang rematch kay Mike Alvarado noong Marso 30 kung saan natalo ang Mexican-American via unanimous decision.
Sinasabing hindi nagkasundo sina Rios at Heredia.
Tuluyan namang tinanggal ni Pacquiao si Ariza sa kanyang grupo mula sa rekomendasyon ng nakaaway na si chief trainer Freddie Roach.
Maghaharap sina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Rios (31-1-1, 23 KOs) para sa World Boxing Organization International welterweight title sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
- Latest