Hot And Spicy nagustuhan ang basang pista ng SLLP
MANILA, Philippines - Ang basang pista ang tila nagustuhan ng kaba-yong Hot And Spicy para kunin ang Japan Racing Association (JRA) Cup na siyang tampok na karera noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Rumemate ang Hot And Spicy sa bandang likuran at masuwerteng inabot pa sa meta ang paboritong Be Humble at makuha ang karerang pinaglabanan sa 1,600-metro distansya.
Halagang P180,000.00 ang premyong napanalunan ng kabayong hawak ni Fernando Raquel Jr. at ito ang ikalawang pagkakataon na nanalo ang Hot And Spicy sa Be Humble na hawak ngayon ni apprentice jockey RV Leona.
Second choice lamang ang nanalong kabayo habang ang third choice na Sky Dragon na ginabayan ni Antonio Alcasid Jr. ang siyang naunang lumayo.
Nakontento ang Be Humble sa P67,500.00 ikalawang gantimpala habang ang Appointment at Señor Vito pa ang nakakuha sa ikatlo at ikaapat na puwesto dahil naubos ang Sky Dragon na tumapos sa ikalimang puwesto.
Dahil maganda ang benta sa 10-kabayong karera, nagbigay pa ang win ng Hot And Spicy ng P16.00 habang ang 9-2 forecast ay may P33.50 na ipinamahagi.
Nagpasikat din ang Lavish Love na dala ni Ed Camañero Jr. sa class division 2 race sa isang milya matapos manalo at lumabas bilang pinakadehadong kabayo na lumusot sa 13 karerang pinaglabanan sa karerahang pag-aari ng Manila Jockey Club Inc.
Ang kabayong nagwagi na noong Abril ay na-naig sa hamon ng Vinegar ni CM Pilapil.
Halagang P174.50 ang ibinigay sa bawat tama sa win habang P497.00 ang naiuwi ng mga tumama sa 6-10 forecast.
- Latest