Puwestuhan sa Final 4
MANILA, Philippines - Tatlo sa limang koponan na naglalaban-laban para sa unang apat na puwesto ang sasalang sa laro hanap ang panalong magpapaganda sa tsansang umabante sa 89th NCAA men’s basketball ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Makakatapat ng three-time defending champion San Beda ang Jose Rizal University sa ganap na ika-4 ng hapon at nais nilang masaluhan uli ang pahi-ngang Letran sa unang puwesto.
Naiwan ang Lions na nagsosolo sa ikalawang puwesto sa 8-2 baraha matapos ang di inaasa-hang pagyuko ng Perpetual Help sa Emilio Aguinaldo College noong Sabado ng gabi, 68-70.
Bumaba ang Altas sa ikatlong puwesto sa 8-3 baraha habang ang Ge-nerals ay nakapantay uli ng host St. Benilde sa 5-6 baraha at kalahating larong napag-iiwanan na lamang ng Heavy Bombers at San Sebastian (5-5) para sa ikaapat na puwesto.
Dinurog ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang Lyceum, 81-63, para makuha uli ang winning momentum matapos yumuko sa Knights, 67-74, sa pagsisimula ng second round.
Bukod sa intensidad, dapat manumbalik ang naunang tikas ng mga kamador ng tropa ni coach Vergel Meneses, bagay na hindi nasilayan nang dumapa sila sa Arellano at St. Benilde.
Ang Stags ay makakasukatan ng Arellano sa tampok na laro hanap ang panalo para manatiling nasa ikaapat na puwesto sa 10-koponang liga.
Sasandalan ng tropa ni coach Topex Robinson ang 90-69 demolisyon sa Generals sa huling laro para itulak pang pababa ang naunang itinalagang isa sa paborito sa liga na Chiefs na may 3-7 baraha at nasa pangalawa sa hu-ling puwesto sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.
- Latest
















