Cagayan ‘di pinaporma ang Army
MANILA, Philippines - Ginamit ng Cagayan Province ang kanilang lakas at husay sa loob ng court upang hindi papormahin ang Army tungo sa 25-9, 25-16, 25-20 panalo para sa kanilang ikaanim na sunod na tagumpay para higit na magningning sa liderato ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference na nagpatuloy kahapon sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Sumandal ang Rising Suns sa kanilang mahusay na Thai duo na sina Soraya Phomia at Kannika Thipachot katulong ang kanilang mga local hitters na sina Angeli Tabaquero, Wenneth Eulalio at Aizo Maizo upang igupo ang Army Women at ipakita kung bakit sila ang tinaguriang team-to-beat sa season-ending conference ng ligang sponsored ng Shakey’s.
Sumandal ang Cagayan sa husay ni Soraya sa pagse-set ng plays na kinumplimentuhan ni Thi-pachot ng matutulis na spikes habang ibinigay nina Tabaquero, Eulalio at Maizo ang kailangang suporta para tapusin ang laban sa loob lamang ng 62 minuto at ipalasap sa Army ang unang talo matapos ang tatlong dikit na panalo.
Nasayang ang pagbabalik ni Rachelle AnnDaquis na galing sa bakasyon para hindi makasama ng Army Women sa tatlong laro sa torneong suportado rin ng Mikasa at Accel.
Nakabangon naman ang Philippine Navy sa tatlong sunod na talo matapos igupo ang Far Eastern University, 25-23, 25-23, 25 para mabuhay ang pag-asa sa quarterfinals berth.
Ang Air Force-Smart game noong Biyernes ay ipapalabas sa GMA News TV Channel 11 ngayon sa alauna ng hapon habang ang Navy-FEU match ay ipapalabas sa Miyerkules.
- Latest


















