^

PM Sports

Cagayan volleybelles sigurado na sa quarters

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakarekober ang wala pang talong Cagayan Province para sa isa na namang straight set win, 25-16, 25-17, 25-22 kontra sa wala pang panalong Far Eastern University sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Muling nagpamalas ng galing sina Thai guest player Kannika Thipachot at Angeli Tabaquero para sa pinagsamang 24 hits upang ihatid ang Rising Suns sa ikalimang panalo para manatili sa pamumuno sa 8-team league.

Bagama’t nakadikit ang Lady Tams sa third set, ipinaramdam ng Rising Suns ang kanilang galing upang tapusin ang laban sa loob ng 67-minuto.

“Gumawa lang kami ng maraming atake dahil alam namin na mas makabubuti sa amin ‘yun,” sabi ni Cagayan coach Nes Pamilar. “Pero medyo nagkumpiyansa kami sa third set buti na lang nakarekober kami.”

Ang panalo ay sumi-guro sa pagpasok ng Cagayan sa six-team quarters  at magandang paghahanda ito sa kanilang pagharap sa Philippine Army, ang tanging team na wala pang talo sa 3-0 record, bukas na sinasabi ng marami na siyang preview ng championship.

Pinalakas naman ng Air Force ang kanilang tsansa sa quarterfinals  nang kanilang igupo ang kulang sa tao na Smart-Maynilad,  25-22, 25-18, 25-17 sa isa pang laro.

Umangat ang Airwomen sa 2-2 para solohin ang ikalimang puwesto matapos ipalasap sa Net ang ikalawang sunod na talo matapos ang tatlong sunod na panalo.

Humataw si Thipachot ng 13-attack habang si Tabaquero ay umiskor ng 10 kills nang ma-out-spike ng Cagayan ang FEU, 40-28 at tumapos na may six blocks at eight service aces, kabilang ang lima mula kay ace setter Phomia Soraya.

Nalasap ng FEU ang kanilang ikaapat na sunod na talo at kailangan nilang ma-sweep ang  huling three games para magkaroon ng pag-asa sa playoff para sa huling quarterfinals berth sa ligang suportado ng Mikasa at Accel.

Ang Cagayan-FEU match ay ipapalabas sa GMA News TV Channel 11 sa alauna ng hapon ngayon habang ang Smart-Air Force game ay ipapalabas sa Lunes, ayon sa nag-organisang Sports Vision.

AIR FORCE

ANG CAGAYAN

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN PROVINCE

FAR EASTERN UNIVERSITY

KANNIKA THIPACHOT

LADY TAMS

NES PAMILAR

RISING SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with