Cagayan tangka ang 5-0
MANILA, Philippines - Tangka ng Cagayan Province na masiguro ang kanilang pagpasok sa susunod na round habang asam naman ng Smart-Maynilad na makakuha ng playoff para sa hu-ling quarterfinals berth sa kanilang pagharap sa dalawang koponang hirap manalo sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 Open Confe-rence sa The Arena sa San Juan City ngayon.
Matapos ang four-set win kontra sa Air Force sa pagbubukas ng kanilang kampanya noong Aug. 23, hindi pa nakakatikim ng talo ang Rising Suns nang sunud-sunod nilang pinayukod ang Smart Net Spikers, Navy Lady Sailors at Meralco Power Spikers para maging paborito kontra sa wala pang panalong Far Eastern U Lady Tams sa alas-2:00 ng hapon.
Umaasa naman ang Smart na maganda ang kanilang maipapakita sa pagharap sa Air Force sa alas-4:00 ng hapong main game. Matapos ipanalo ang kanilang unang tatlong matches, ang Net Spikers ay nabigo sa Ri-sing Suns para maantala ang kanilang layuning makasiguro ng puwesto sa susunod na round ng season-ending confe-rence ng liga na sponsored ng Shakey’s.
Ngunit inaasahang makakabawi sila gamit ang nine-day break na ginamit sa paghahanda nina Sue Roces, Maru Banaticla, Gretchel Soltones at Charo Soriano.
Hangad naman ng Air Women na masundan ang straight set win kontra sa Lady Tams noong Aug. 30 para palawigin ang kanilang 1-2 karta sa tulong nina Judy Ann Caballejo, Joy Cases at Maika Ortiz kasama sina Jennifer Manzano, Wendy Semana, Liza de Ramos at Iari Yongco.
Ang Meralco-Navy match noong Martes ay ipapalabas sa GMA News TV Channel 11 sa ala-una ng hapon ngayon.
- Latest