^

PM Sports

Banchero, anak ni Asaytono sali sa PBA -D-League draft

Pang-masa

MANILA, Philippines - Fil-foreign players sa bansa at  anak ng dating PBA great ang inaasahang pag-aagawan sa 2013 PBA D-League Rookie Draft.

Sina Chris Banchero at Jerrold Nielsen Asaytono, anak ni many-time All-Star at Mythical Team selection Nelson Asaytono, ang nangunguna sa 10 aplikante para sa PBA D-League Rookie Draft sa Setyembre 19.

Ang iba pang nasa listahan ay sina Fil-Australian Hibelito Timothy, Mark Anthony Lopez ng Jose Rizal University, Kenneth Agustin ng PSBA, Rodan Reducto ng Arellano, Marlon Angeles ng TUP, Fil-Ams Alexander Austria, Medel Bencito at Vince Anthony Fran, anak ni dating UST stalwart Raymund Fran.

Naging sandata ang 6-foot-1 point guard na si Banchero mula sa Seattle Pacific University sa pagwalis ng San Miguel Beermen laban sa Indonesia Warriors sa nakaraang ASEAN Basketball League Finals.

Ang kanyang two-year stint sa Beermen ang inaasahang mag-aakyat sa kanya bilang isang potensiyal na top pick sa PBA D-League Draft.

Ang unang anim na picks ay pag-aari ng mga founding members na Cafe France, Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Big Chill, Blackwater Sports at NLEX.

Ang No. 7 pick ay bubunutin ng Cagayan Valley kasunod ang Hog’s Breath at Jumbo Plastic.

Ang lahat ng mga bagong players ay dapat magsumite ng aplikasyon sa Draft para makalaro sa 2014 D-League season sa Oktubre 24 sa Ynares Sports Arena.

 Ang isang bagong player na nasa listahan ng mga ‘varsity players’ ng isang  ‘school-based team’ ay hindi na kailangang sumali sa Draft.

Ngunit mawawala naman ang karapatan niyang maglaro kung magpapalit ng status ang kanyang “school-based team” sa anumang bahagi ng torneo.

 

ANG NO

BASKETBALL LEAGUE FINALS

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAFE FRANCE

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

FIL-AMS ALEXANDER AUSTRIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with