^

PM Sports

Ito na ang pagkakataon ni Kevin Racal

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos maging back-up lamang sa mga naunang panalo, kinuha ngayon ni Kevin Racal ang pagkaka-taon upang maipamalas ang kanyang angking ga-ling sa laro laban sa Mapua para kunin din ang lingguhang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week na suportado rin ng Gatorade.

Hindi gaanong nakaopensa ang pambatong sentro na si Raymond Almazan at batikang pointguard na si Mark Cruz ngunit naroroon naman si Racal na binalikat ang laban para tulungan ang Knights sa 77-70 panalo sa Mapua Cardinals noong Sabado at manatiling nangunguna sa 10-koponang liga sa 9-1 baraha.

May 23 puntos bukod pa sa 10 rebounds at 5 assists ang beteranong si Racal upang ipakita na may maaasahan pa ang tropa ni coach Caloy Garcia sakaling nangangapa sa porma ang kanilang mga kamador.

“Hindi siya superstar at siya ay masasabi mo bilang isang defensive player. Pero kapag kailangan mo ng opensa ay puwede rin siya. He is a very good role player,” pagpupugay ni Garcia.

Ito ang pinakamagandang laro na nakita kay Racal sa 89th season ngunit hindi malayong may ilabas pa siya lalo pa’t umiinit na ang tagisan para sa kampeonato sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Tinalo sa parangal mula sa mga mamamahayag sa print at online sina Ola Adeogun ng San Beda at Nosa Omorogbe ng Perpetual Help.

vuukle comment

CALOY GARCIA

KEVIN RACAL

MAPUA CARDINALS

MARK CRUZ

NOSA OMOROGBE

OLA ADEOGUN

PERPETUAL HELP

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

RACAL

RAYMOND ALMAZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with