Win No. 4 target ng PNP kontra Judiciary sa UNTV Cup
LARO NGAYON
( Pasig Sports Center )
2:30 p.m. DOJ vs Congress-LGU
4:00 p.m. MMDA vs AFP
5:30 p.m. Judiciary vs PNP
MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng PhiÂlipÂpine National Police ang liderato sa pagsagupa sa Judiciary ngayong alas-5:30 ng hapon sa 1st UNTV Cup sa Pasig Sports Center sa Pasig CiÂty.
Sa unang laro sa alas-2:30 ay maglalaban naman ang Congress-LGU at ang Department of JusÂtice, naghahangad na maÂwakasan ang isang three-game slump para sa tsanÂsang makasikwat ng quarÂterfinals seat.
Lalabanan ng Metro MaÂnila Development Authority ang Armed Forces of the Philippines sa alas-4 at hangad ang kanilang ikalawang sunod na panaÂlo.
Tangan ng PNP ang 3-0 record kasunod ang JuÂÂdiciary (3-1), MMDA (2-1), PhilHealth (2-2), AFP (2-2), Congress-LGU (1-3) at DOJ (0-3) sa torneo na inorÂganisa ng Breakthrough and Milestones ProÂductions InÂÂÂternational (BMPI) Inc.sa pamamahala ni CEO at Chairman Daniel Razon.
Muling babanderahan ni dating UAAP hotshot Olan Omiping ang PNP, haÂÂbang sasandal ang JudiÂciary kina dating PBA cenÂter Don Camaso, Ariel CaÂpus at celebrity John Hall.
Ang lahat ng laro ay ipapalabas ng live sa UNTV Channel 37.
- Latest