Airbender inungusan ang hamon ng Pinas Paraiso
MANILA, Philippines - Hindi naubos ang AirÂbender mula sa matinding haÂmon ng Pinas Paraiso paÂra manalo sa tinakbuhang kaÂrera noong MiyerÂkules ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, BaÂtangas.
Si John Alvin Guce ang hinete ng Airbender na siyang binigyan ng piÂnakamabigat na handicap weight sa limang tumakÂbo sa 3YO Special Handicap race na inilagay sa 1,200-metro distansya.
Two-horse race ang nangyari dahil ang AirbenÂder at Pinas Paraiso na hawak ni JPA Guce ang nagbakbakan sa unahan at nagsalitan sa paghawak sa liderato hanggang pasuÂkin ang rekta.
Ginamit na ni JA Guce ang latigo para lumabas ang tulin ng Airbender, haÂbang ang Pinas Paraiso ay nakaramdam na ng pagod upang maalpasan pa ng rumeremateng Phantom's Lane ni RO Niu.
Paborito ang AirbenÂder para magpasok ng P5.50 dibidendo pero deÂhaÂdo ang Phantom's Lane at ang 4-3 forecast ay naghatid ng P100.00 diÂbidendo.
Ginulat ng A LaÂdy In Waiting ang mga mas piÂnaboran sa katunggali sa 3YO and Above Maiden Race nang dominahin ang 1,200-metro distansyang kaÂrera.
Nasa P46.00 pa ang ibiÂÂnigay sa 3-2 forecast, haÂbang P29.50 ang inabot sa win ng kabayo.
- Latest