Petron ipinagpag ang Air21 para sa liderato
MANILA, Philippines - Alam ni rookie head coach Gee Abanilla ang kaÂhalagahan ng bawat paÂnalo sa isang maikling komÂpirensya.
Dumiretso sa ikalaÂwang sunod na ratsada ang Petron Blaze matapos igupo ang Air21 mula sa 112-86 tagumpay at angkinin ang pamumuno sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“We’re very happy about this win. It means we have a chance in the upper bracket,†wika ni AbaÂnilla. “In this confeÂrence every win matters.â€
Tumipa si import Elijah Millsap ng game-high na 27 points para sa BoosÂters, habang nag-ambag si rookie center June Mar FaÂjardo ng 17 kasunod ang tig-13 nina Marcio LasÂsiter at Alex Cabagnot at 12 ni Arwind Santos.
Nagmula ang Petron sa 99-84 panalo kontra sa nagdedepensang Rain or Shine noong nakaraang Linggo.
Matapos kunin ang 24-22 abante sa first period ay itinala ng Petron ang isang 12-point lead, 40-28, sa second quarter sa pangunguna nina Millsap, Cabagnot at Chico LaÂnete.
Ibinaon ng BoosÂters ang Express buhat sa isang 27-point advantage, 75-48, sa 3:23 ng third peÂriod galing sa technical free throws ni rookie center June Mar Fajardo.
Mula sa 82-60 kalaÂmangan sa pagtatapos ng nasabing yugto, isang maikling 9-0 atake ang inilunsad nina Lassiter, SanÂtos at Lutz para muÂling ilayo ang Petron sa Air21 sa 89-60 sa 10:19 ng final canto.
Isang there-point play ni Joseph Yeo, napapaulat na ite-trade, ang nagbigay sa Boosters ng 102-77 abante sa 3:27 ng laro.
Pinangunahan ni balik-import Zach Graham ang Express mula sa kanyang 19 markers kasunod ang 16 ni Niño Canaleta at 10 ni Bitoy Omolon.
Petron 112 - Millsap 27, Fajardo 17, Lassiter 13, Cabagnot 13, Santos 12, Lutz 10, Yeo 9, Lanete 8, Miranda 3, Deutchman 0, Kramer 0, Tubid 0.
Air21 86 - Graham 19, Canaleta 16, Omolon 10, Cortez 8, Manuel 6, Custodio 6, Sharma 6, Arboleda 5, Ritualo 4, Atkins 2, Sena 2, Isip 2, Menor 0.
Quarterscores: 24-22; 49-38; 82-60; 112-86.
- Latest