Kahit iisa lamang ang kanilang trainer Donaire mas kinampihan si Pacquiao kesa kay Rios
MANILA, Philippines - Bagama’t pareho sila ng trainer, mas kinampiÂhan ni dating unified world super bantamweight champion NoniÂto ‘The Filipino Flash’ DoÂnaire, Jr. ang kababayang si Manny Pacquiao kesa kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios.
Sa panayam ng ABS-CBN North America News Bureau, sinabi ni DoÂnaire na ang bilis ni PacÂquiao ang tatalo sa agÂresibong si Rios.
“Of course (I’m with) with Pacquiao… for me bokÂsingero ako, I’m a fighÂter. I look at it in a different light,†ani Donaire. “Kung tatanungin mo ako, I would say that Pacquiao still has the edge kase he has the speed. Mabagal si Bam Bam, depende lang sa focus ni Pacquiao.â€
Sina Donaire at Rios ay nagsasanay sa ilalim ni Mexican chief trainer RoÂbert Garcia.
Ayon sa tubong Talibon, Bohol na si Donaire, kaiÂlangang tibayan ni PacÂquiao ang kanyang reÂsistensya sa pagsagupa kay Rios.
Ang 27-anyos na si RiÂos ay kilalang hindi umaÂatras sa laban.
“Ang kailangan lang ni Pacquiao ay stamina kasi hindi ‘yan hihinto si Bam Bam. Nakita mo naÂman na natalo si Bam Bam sa style ni Alvarado the last time. Mas mabilis pa si Pacquiao dun at mas maÂlakas pa, but then again stamina lang and enduÂrance ang kailangan,†ani DoÂnaire.
Ito ang unang laban ng 34-anyos na si Pacquiao ngayong 2013 matapos maÂtalo ng daÂlawang sunod noong 2012.
Magsasagupa sina PacÂquiao at Rios sa NobÂyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
- Latest