^

PM Sports

Mammie at Casajeros pinatawan ng suspension

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatawan ng two-game suspension si import Charles Mammie at one-game suspension kay Lord Casajeros ng Uni­ver­sity of the East.

Ito ay matapos reb­yu­hin ni UAAP Commis­sio­ner Chito Loyzaga ang 98-94 double overtime win ng Far Eastern Uni­ver­sity kontra sa UE no­ong Linggo.

Nakita sa video ang pag­lalabas ni Mammie ng kan­yang paa na siyang natapakan ni Tamaraws’ star guard Terrence Romeo ma­tapos ang kanyang three-point shot sa fourth quarter.

Nauna nang iniinda ni Romeo ang isang ankle in­jury na kanyang nakuha sa kanilang team practice.

Ito ang magiging ikalawang pagkakataon na ma­kakatanggap ng suspensyon ang 6-foot-7 na si Mammie.

Napatawan si Mammie ng isang one-game ban dahil sa kanyang ‘con­fronting, pushing, and kicking’ kay Adamson player Roider Cabrera matapos matalo ang Red Warriors sa Falcons, 71-78, noong Hulyo 11.

Sinuntok naman ni Ca­­sajeros si Romeo sa na­tu­rang UE-FEU game.

Binigyan na ng UAAP Commissioner ng war­ning si Casajeros dahil sa pa­kikipagpormahan kay Cab­rera sa laban ng Red War­riors at Falcons.

CHARLES MAMMIE

CHITO LOYZAGA

FAR EASTERN UNI

LORD CASAJEROS

RED WAR

RED WARRIORS

ROIDER CABRERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with