Docena, Fronda kampeon sa Nat’l Jrs. chessfest
MANILA, Philippines - Nakipag-draw si National Master Jerad Docena kay top seed FIDE Master Haridas Pascua sa final round para makopo ang boys’ crown habang nau-ngusan ni Jan Jodilyn Fronda ang kapwa Woman NM na si Janelle Mae Frayna sa tiebreak para makopo ang girls’ title sa National Juniors Chess Championships sa PSC Conference Hall sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila noong Huwebes.
Tumapos si Docena, lumaro para sa Wesleyan College of Manila, ng 6.5 points, kalahating puntos ang layo kay McDominique Lagula at Jose Carlo Castro.
Si Pascua ay may 5.5 points para saluhan sa fourth place sina NMs Alcon Datu at Narquinden Reyes, Paul Evangelista at Daryl Samantila.
Nagtapos naman sina Fronda, tumalo kay Shania Mae Mendoza sa final round, at Frayna, nanaig kay Jesca Docena, na may magkakatulad na six points ngunit si Fronda ang komopo ng titulo dahil sa mas mataas na tiebreak score.
Sinabi ni NCFP executive director GM Jayson Gonzalesna sasamahan nina Docena at Fronda si GM Wesley So na kumatawan ng bansa sa World Junior U-20 Chess Championships na naktakda sa Sept. 12-27 sa Turkey.
- Latest